Thursday, April 22, 2010

MARIKEñO AKO: NOT FOR SALE!

    Isa ang Lungsod ng Marikina na masasabi mo na magandang lungsod sa buong Pilipinas. Tinagurian ang Lungsod ng Marikina dahil sa angkin na kalinisan at kaayaayang mga tanawin. Ang Lungsod ng Marikina ay masasabing nagtagumpay sa kalinisan. 


SUBALIT....
    Noong nag daan na taon hindi na'tin makakalimutan ang hagupit ng bagyong ondoy sa Pilipinas lalo na sa Lungsod ng Marikina. Ika-dalawampu't anim, buwan ng Setyembre taong dalawamg libo't siyam ay dumanas ng delubyo ang nasabing lungsod halos buong kabuuan ng lungsod ay lubog sa tubig baha na 'di inaasahan ang pag taas ng tubig baha na hanggang sa umabot sa ikatlong palapag ng mga bahay at sa mga lugar na dating hindi inaabot ng tubig baha ay inabot sa pag kakataon na ito. Lahat ng tao ay humantong sa pagkagutom at pag liligtas ng kanilang sarili para mabuhay ang bawat kanya kanyang buhay. Marami ang na dismaya sa panahon na humantong ang Lungsod sa ganitong kalagayan hindi inaakala ng mga taga Lungsod ng Marikina na dadanasin nila ang gantong kalumolumong sitwasyon na inakala ng mga tao ay Lungsod na malinis, ligtas sa ano mang sakuna ay hahantong sa ganitong kalagayan.


HINDI MO  BA PANSIN?.....

    Hindi mo ba pansin? Oo hindi mo ba pansin? Marahil hindi nga kung hindi ka taga Lungsod Marikina. Hindi mo ba pansin sa mga nagdaan na araw ay humahantong tayo sa pagkakataon na dumadanas tayo ng hindi natin inaakala sa ating buhay lalo na kung hindi bukas ang pag-iisip natin sa mga bagay na kagaya ng nalalapit na HALALAN.

    Taong 2010, Taon ng pagpapasya. Marahil taga Lungsod Marikina, alam mo na ang estado ng usaping POLITIKAL sa ating Lungsod na pinakamamahal. Samo't saring mga ladlad ang mga hitsura at lantarang nag kalat na pangalan sa kalsada ang mababasa at makikita mo sa kalye. Samo't saring mga maamong mukha ang nakaabang pag labas mo sa iyong kagyat na tahanan.

    Marikeño, naisip mo na ba kung sino ang karapatdapat na manungkulan sa upuan na iiwan ng mga taong nilamon ng kahapon? Naisip mo na ba ang mga taon na  daraan na ang magiging resulta ay kagaya nung nag daang taon? Taong 2010 na, magpapadala ka paba asa mga nulok na sistema ng kahapon? Ibabalik mo ba ang nagsilbing Ondoy sa mga taga Lungsod ng Marikina? 


MARIKEñO AKO: NOT FOR SALE!


    Halalan na! 

    Panahon ng pagsusuri sa karapatdapat na maluklok sa Lungsod ng Marikina....

    Mag papadala ka pa ba sa mga samo't saring taktika ng bawat tumatabong kandidato mapa lokal o nasyonal man para makamit ang ninanais na makamit na alam mong ang gusto lang ay makamit ang pansariling kagustuhan at hindi ang kapakanan ng mga taga Lungsod ng Marikina.

    Panahon na Marikeño na ikaw ay magisip at mag-pasya kung sino ang karapatdaapt na maihalal sa Lungsod ng Marikina.

DOON KABA KAY POLITIKONG.....

  • Gusto mo lang ang kulay ng kanyang kampanya?
  • Gusto mo lang ang gwapo/magandang hitsura nya?
  • Gusto mo lang ang sinasabi ng kanyang dila na alam mo ay kasinungalingan lang ang alam?
  • Gusto mo lang ang pinamumudmod n'yang mga manipesto ng kanyang mga mabibilang na nagawa sa lungsod?
  • Gusto mo lang ang masarap na pagkain napinapamudmod nya na alam mo namang kapag eleksyon lang ito nangyayari?
  • Gusto mo lang kasi naimpluwensyahan ka ng kamag-anak?
  • Gusto mo lang kasi naimpluwensya ka ng iyong kaibigan?
  • Gusto mo lang kasi ninong/ninang mo sya sa kasal nyo?
  • Gusto mo lang kasi ninong/ninang ng anak mo?
  • Gusto mo lang kasi may mag magagaling sumayaw at kumanta habang may Caucus?
  • Gusto mo lang kasi sikat sya sa tunog ng kanyang panagalan?
  • Gusto mo lang kasi sa kanyang PERANG binabayad sa'yo makuha lang ang sagrado mong boto?
  • Gusto mo lang kasi pinagbabantaan ka na maidedemolish o magigiba ang bahay mo kapag hindi mo sila ibinoto?
  • Gusto mo lang kasi sikat ang pagtidong kinabibilangan nya?
  • Gusto mo lang kasi ng kanyang jingle campaign?
  • Gusto mo lang kasi nabigyan ka ng tulong pinansyal?
  • Gusto mo lang kasi dahil nangunguna sa survey/
  • Gusto mo lang kasi mayaman na sya at kapag nahalal na s'ya ay hindi s'ya magnanakaw sa kaban ng bayan?
  • Gusto mo lang kasi marahil maraming mga naglalakihan na  tarpaulin sa kalye?
  • Gusto mo lang kasi nabigyan ka ng t-shirt, sumbrero, baller, sticker at tarpaulin?
  • Gusto mo lang kasi sa nakuha mong isang kendi nung nag hagis sys habang nag momotorcade?
  • Gusto mo lang kasi sa kanyang kinakanta? 
  • GUSTO MO LANG KASI TATAHAKIN NYA ANG TUWID NA LANDAS?
  • GUSTO MO LANG KASI HINDI S'YA MAGNANAKAW?
  • GUSTO MO LANG KASI S'YA DAW ANG MAGAAHON SA KAHIRAPAN?
  • GUSTO MO LANG KASI DATI S'YANG ARTISTA?
  • GUSTO MO LANG KASI MALAROBOT ANG PAGSASAAYOS NG BAYAN?
  • GUSTO MO LANG KASI DATING PANGULO ANG MGA MAGULANG NYA?
  • GUSTO MO LANG KASI NA PAMBATO SYA NG OPOSISYON?
  • GUSTO MO LANG KAI NA SYA NA?
 Ilan lamang ito sa mga katotohanan na dapat natin maging pamantayan sa mga kanilang pakulo.

AKO taga LUNGSOD MARIKINA AKO kaya NOT FOR SALE!!! 

Monday, January 11, 2010

TO DARE! ( M A K I B A K A )

Marahil alam naman na'tin kung ano ibig sabihin ng salitang "MAKIBAKA" o sa salitang Ingles ay "TO DARE!". Siguro at marahil hindi na tayo iba sa salitang ito. At alam naman natin na ang salitang ito'y madalas ginagawa sa ating bansa at hindi lamang sa sarili nating bansa.

Ngayon at noong mga nakalipas na taon ay maraming nag sasagawa ng ganitong klaseng aktibidades sa kaliwa't kanang kalye dito sa ating bayan. Hindi na tayo nag tataka kung bakit may mga maraming mga tao, organisasyon, at samahan na gumagawa ng ganitong klaseng gawain. DAHIL tayo ay nakatungtong at naninirahan sa BANSANG DEMOKRATIKO. Ang gawain na ito ay daan upang ipahatid ang nararamdaman nating emosyon kapag may nakikita tayong kamalian sa ating Gobyerno o kung saan man.


Para sa akin dapat lamang tayo ay mag hain ng hinaing natin kung tayo ay nakakakita na ng maling gawain lalo na sa ating Gobyerno sa ngayon. Alam naman natin na malapit na ang eleksyon naglipaan at maglilipaan na naman ang mga taong na ngangalampag ng mga taong walang pangundangan kundi gumawa ng mga samo't saring anomalya sa ating Gobyerno.


Kung hindi dahil sa mga maling gawain na nakasanayan natin, gaya ng pag gawa ng anomalya sa gobyerno hindi sana tayo ganito...hindi sana maingay ang ating kalye...hindi sana nauubusan ng mga laway ang nag sasagawa ng ganitong bagay...ngunit tatahimik na lang ba tayo kung nakikita natin ang sarili nating bayan ay pinagmamalupitan ng kahit sino?



PERO, Pasalamat parin tayo at may nag tatanggol sa atin, at nag sasalita para sa kagaya nating hikahos sa buhay. 

'Yan ang buhay ng taong AKTIBISTA na nakikibaka at MAKIKIBAKA hanggat kaya pa.... 



Thursday, December 17, 2009

"Ang katotohanan sa 2010."

Marahil na papanahon na naman ang pag pili  ng isang LIDER. LIDER na mag aangat sa sadlak na kahirapan na hinahaharap sa ngayon. LIDER na mag papabago sa estado ng bansang Pilipinas. LIDER na mag tatanggol sa mga mahihirap na mamamayan.

Sa darating na 2010, naka pili kana ba ng ihahalal mong Kandito bilang magiging LIDER ng bansang Pilipinas?

Alam mo na ba ang mga katotohan sa likod ng mga pangako ng mga magsisitakbong politiko? Mga salitang akala mo'y isang makatang sumasambit ng isang tula...isang politiko na nakikiusap upang sila'y iboto sa darating na ELEKSYON. Mga Politikong kulang na lang ay lumuhod sa harap mo at makiusap, na sa darating na eleksyon ay isulat ang kanilang pangalan sa balota, na tulay sa kanilang ninanais na pwesto.

Hindi mo ba alam na sa bawat Politiko ay hindi mo alam kung sino ang nag sasabi ng katotohanan.Nag sasalaysay kung anong balak nila sa bansang Pilipinas. Nag sasalaysay ng mga pangakong hindi naman na tutupad. Pangakong  limot na ng tadhana. Ngayong eleksyon ay umaapaw ang mga tulong na galing sa mga kakandidato. Pag kalipas ng ELEKSYON na ito, pag kaupo nila sa kanilang upuan na animo'y napaka gara, ay magawa pa ba nila ang pag tulong sa kapwa nila na bukal sa kanilang kalooban?

Sa totoo lang "DAPAT ANG LUMALAPIT SA MGA TAO AY ANG MGA POLITIKO AT SILA ANG NAGBIBIGAY NG TULONG SA TAO, HINDI ANG TAO ANG S'YANG LUMALAPIT SA POLITIKO UPANG HIMINGI NG TULONG." Kaya sila inihalal dahil ang tingin ng mga tao, s'ya ang magiging daan para sa PAGBABAGO na gustong makamit ng bawat isang mamamayang ng Pilipino.

Ngayong malapit na ang ELEKSYON samo't saring mga Politiko ang nag kukumahog sa pag bibigay ng tulong sa mga tao. Sana eleksyon na lang lagi para sa gayon ay maraming mga Politikong tumutulong sa mga tao. Ngayong eleksyon nag kalat ang samo't saring mga POLITICAL ADVERTISEMENT mapa telebisyon, mapa radyo o pahayagan man. Hindi natin alam kung saan nila kinukuha ang mga ginagastos nila sa mga gagamitin o ginagamit nila sa panahon ng eleksyon. Maraming nag sasabi na donasyon lamang sa kanila ito ng kanilang mga kaibagan.(weh?!)

Ngayong darating na ELEKSYON pagsumikapan natin ang mag karoon ng isang MAAYOS na HALALAN sa taong 2010 ng sagayon ay makapag luklok tayo ng isang LIDER na ang inuuna ang kapakanan ng mga tao. Isang LIDER na may takot sa DIYOS. Isang lider na hindi kayang gastusin ang kaban ng bayan. Isang LIDER na hindi mag nanakaw.


Nasa iyo ang alas, upang sa darating na pagbabago ng bansang Pilipinas ay makamit na natin ang inaasam na PAG-UNLAD ni Juan dela Cruz...